Nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) number 1 ang ilang lugar dahil sa bagyong Pepito.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa may 945 kilometers ng silangan ng Eastern Visayas.
May taglay ito na lakas ng hangin ng 110 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 125 kph.
Nasa signal number 1 ang mga lugar ng Catanduanes; Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy sa Camarines Sur; Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi sa Albay; Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz sa Sorsogon.
Habang sa bahagi ng Visayas ay nakataas sa signal number 1 ang mga lugar ng Northern Samar; San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Dolores, Oras sa Eastern Samar; Matuguinao, San Jose de Buan sa northeast Samar.
Base sa datos ng PAGASA, na maaring mag-landfall sa silangang karagatan ng Central Luzon ang bagyo sa Nobyembre 16 o 17.
Maari na ring tuluyang makalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Lunes, Nobyembre 18.