-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Sumiklab ang sunog sa ilang mga lugar sa bansang Indonesia dahil sa nararanasang matinding El Niño.

Ayon kay Rudy Celeste, ang Bombo International News Correspondent sa naturang bansa, nagsimula aniya ang pagsiklab ng sunog noong Martes ng hapon malapit sa residential areas malapit sa highway sa tatlong villages.

Natatakpan na rin ang ilang bahagi ng Indonesia ng mga toxic air pollutant mula sa mga nasusunog na lupain at kagubatan na nagdudulot ng mas tuyong kondisyon ng kanilang lugar.

Saad ni Celeste na nagkaroon naman ng agarang aksyon dito ang pamahalaan kung saan nag-deploy agad ang mga ito ng mobile fires at mayroon din aniya silang technology satellite na nakaka-detect ng sunog gamit ang solar technology at human assets.

Samantala wala namang lumalabas na ulat na may naapektuhan Pilipino sa nagaganap na sunog dahil karamihan naman sa mga ito ay nagtatrabaho sa mga capital cities na hindi naman aniya abot ng sunog.

Dahil sa naganap na malawakang sunog sa naturang bansa, bumaba ang rice production na nagresulta ng problema sa food security.