-- Advertisements --

Nagsuspendi ng pasok sa paaralan ang ilang lugar sa Batangas ngayong araw dahil sa nararanasang volcanic smog mula sa Taal Volcano.

Narito ang ilang mga paaralan na nagkansela ng klase.

All Levels public at private- Nasugbu, Balete, Santo Tomas, Laurel at Tanauan.

Habang all-levels naman sa public schools ang bayan ng San Luis.

Ang nasabing mga paaralan ay gagamit muna ng modular o online distance learning.

Nagbigay naman ng babala ang local goverment units sa publiko na magsuot ng face masks at manatili na lamang ang mga ito sa loob ng kanilang tahanan.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Taal Volcano kung saan ito ay nasa abnormal condition na maaring ito ay maging aktibo.