Sunod-sunod na nagsuspendi ng pasok sa eskwelahan ang ilang mga lokal na pamahalaan ngayong araw dahil sa malawakang pag-ulan
Kabilang sa mga unang naglabas ng abiso ay ang Malabon City at ang Navotas City kung saan walang pasok kapwa sa pampubliko at probado.
Wala ding pasok ang lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa San Jose del Monte, Bulacan
Samantala, batay naman sa report ng weather agency ng Department of Science and Technology (DOST), mayroong dalawang LPA na nakaka-apekto sa Pilipinas ngayong araw.
Isa rito ay nasa loob ng Pilipinas habang ang pangalawa ay nasa labas. Ang nasa loob ng bansa ay nasa silangan hilagang-silangan ng bansa habang ang nasa labas ay nakita sa silangang parte ng bansa.
Ang mga ito, ayon sa ahensiya ay hindi naman inaasahang magiging ganap na bagyo sa susunod na mga oras ngunit hindi pa rin inaalis ang posibilidad na maging bagyo kinalaunan.
Habang ang Hanging Habagat naman ang nagpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa mula sa Batanes at Visayas area. Ang mga naturang pag-ulan ay inaasahang magpapatuloy pa sa mga susunod na araw.
Kaninang madaling araw ay una nang itinaas ang thunderstorm advisory na nagdudulot na ng mga pag-ulan sa Metro Manila, ilang bahagi ng Calabarzon, at Central Luzon.