-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na rumesponde ang mga personahe ng rescue 911, City Disaster Risk Reduction and management Office (CDRRMO) at iba pang ahensiya ng lokal na pamahalaan matapos ang naranasang malakas na pag-ulan sa lungsod ngayong gabi na siyang dahilan ng pagbaha.

Karamihan sa mga nagsilikas ay ang mga residente na naninirahan malapit lamang sa ilog kung saan may naitala na umanong mga bahay na inanod ng malakas na pagbaha.

Kabilang sa mga rumesponde sa mga apektadong lugar ay si Davao City Vice Mayor Baste Duterte kung saan kabilang ang bahay ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa bangkal nitong lungsod ang binaha.

Nagpapatuloy naman ngayon ang monitoring ng otoridad sa mga apektadong lugar.

Ilang mga lugar naman sa siyudad ang walang kuryente at ilan sa mga residente ay nanatili muna sa mga simbahan.

Sinasabing pasado alas singko kaninang hapon ng bigla na lamang umanong umakyat ang tubig baha sa ilang lugar nitong lungsod.