Binaha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa naranasang magdamag na pag-ulan.
Base sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilang barangay sa Malabon City na binubuo ng Catmon, Hulong Duhat, Ibaba, Dampalit, Acacia, Longos, Maysilo, Panghulo, San Agustin, Santulan at Tonsuya.
May taas ang tubig baha ng hanggang 10 pulgada at lahat ng mga ito ay maaaring madaanan pa ng mga lahat ng uri ng sasakyan.
Passable sa lahat ng uri ng sasakyan din ang ilang mga lugar na binaha sa Lungsod ng Maynila, Pasay City at Pasig City.
Hindi naman puwedeng madaan sa lahat ng uri ng sasakyan ang baha sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City, habang hindi na passable sa mga maliliit na sasakyan ang baha sa bahagi ng E.Rodriguez Araneta habang maaring madaanan sa lahat ng uri ng sasakyan ang baha sa bahagi ng Commonwealth Avenue lagpas ng Philcoa east bound.