-- Advertisements --
Idineklara ni New York Governor Kathy Hochul ang state of emergency sa 11 lugar dahil sa snowstorm.
Tinawag ng gobernador na isang “major, major” snowfall event na panganib sa buhay.
Pinangangambahan nito na mahihiigitan nito ang nangyaring snowstorm noong November 2014 na ikinasawi ng 20 katao sa Buffalo, New York.
Pinayuhan na rin ng gobernador ang mga residente na huwag ng lumabas at mag-ingat.
Nagbabala rin ang National Weather Service na ang snowstorm ay magdadala ng hanggang apat na talampakan ng yelo.
Mula Michigan hanggang New York ay kanilang inilagay sa snow alerts.
Dahil sa nasabing snow storms ay maraming flights ang kinansela, maging ang mga pangunahing kalsada ay isinara at mga iba’t-ibang sporting events ay kinansela na rin.