-- Advertisements --

Nagpasa na ng mga ordinasa ang iba’t-ibang mga lungsod sa Metro Manila para sa maagang pagdalaw sa mga sementeryo ngayong panahon ng undas.

Ito ay matapos na nagkasundo ang mga Metro Manila Mayors na isara ang lahat ng mga pribado at pampublikong sementeryo sa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 para hindi na kumalat pa at dumami pa ang kaso ng coronavirus.

Ilan sa mga naglabas ng schedule ng pagdalaw sa sementeryo ay ang lungsod ng Pasay kung saan bawat barangay ay may mga naka-schedule.

Magiging limitado lamang sa 150 katao ang papayagan sa loob ng sementeryo habang ang mga columbarium ay hanggang 20 katao lamang ang papayagan.

Sa lungsod ng Paranaque ay magiging bukas lamang ang mga sementeryo mula Oktubre 1-28 at Nobyembre 5.

Dapat na kumuha ng mga pases ang mga residente bago makadalaw sa nasabing mga sementeryo.

Habang mga Quezon City ay magiging sarado ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 kung saan bukas naman mula ala-5 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Lahat aniya ng mga lungsod ay nagpaalala na sundin ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagdala ng sanitizers at pagpirma ng mga contact tracing form.