-- Advertisements --
Kabilang ang anim na mga secondary school children sa siyam na inaresto sa Hong Kong dahil umano sa paggawa ng mga bomba.
Binubuo ito ng limang lalaki at limang babae na may edad 15 hanggang 39-anyos ang inaresto dahil sa kasong conspiracy to use explosive para sa umano sa terrorist activities.
Sinabi ni senior superintendent Steve Li ng new national security unit na pawang mga miyembro ng gang ang mga inaresto nila na gumagawa ng mga high-powered explosives.
Galing umano ang mga ito sa pro-independence group na tinatawag nila sa sarili bilang “Returning Valiant”.
Target na pasabugin daw ng mga grupo ang ilang pampublikong lugar gaya ng terminal, korte, railway network at iba pa.