-- Advertisements --
DAGUPAN CITY–Maagang pagtatanim ang tugon ng ilang magsasaka dito sa lalawigan ng Pangasinan, sa babala ng PAGASA na malalakas na bagyo ang posibleng maranasan kasunod ng El Niño phenomenon.
Ito ang nabatid mula kay Pangasinan Farmers Irrigators Association President Ernesto Pamuceno, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.
Aniya, bilang paghahanda dito ilan sa kanila ay nagpatupad na ng early cropping o maagang pagtatanim upang kapag dumating na panahon ng bagyo ay malapit ng anihin ang kanilang mga pananim.
Bagamat aminado naman ni Pamuceno, na iwas pinsala nga ito kapag may sakuna, hindi naman sila makakaiwas dahil sa pagkalugi dahil mababa ang buying price ngayon.