Ikinatuwa ng maraming magulang sa pagpayag na ng gobyerno sa mga batang may edad 5 pataas na makalabas na ng kanilang bahay sa mga lugar ng nasa modified general quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ).
Nauna ng inanunsiyo ni presidential spokesperson Harry Roque na papayagan ng makalabas ang nasabing mga edad na limitado lamang sa mga parks, playgrounds, beaches, biking at mga lugar.
Paglilinaw pa ni Roque na hindi pa puwede ang mga bata na magtungo sa mga malls at ibang establishimento.
Kailangan aniya na may kasamang mga nasa hustong edad para umalalay sa mga bata at masunod ang health protocols.
Nasa Local government unit na rin aniya ang desisyon kung magdagdag ng mga edad ng mga bata na papayagang makalabas sa kanilang bahay.