-- Advertisements --

Nagsimula ng mag-adjust ng kanilang operational hours ang ilang malls sa Metro Manila matapos ang ginawang paghihigpit ng gobyerno dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga dito ay inabisuhan na ang kanilang mga customers sa mga bagong mall hours kung saan ang ilan ay hanggang alas-8 ng gabi.

Pinaalalahan din ng mga customers na magsuot ng face mask at face shield para maiwasan ang pagkahawaan.

Tiniyak din ng mga mall owners na mahigpit ang ipinapatupad na physical distancing at minimum health protocols.