-- Advertisements --
Nais ng ilang mga mambabatas na itaas sa P8,000 mula sa dating P3-k ang ibibigay na tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga hog raisers na apektado ng African swine fever (ASF) outbreak.
Ayon kay Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga, ang namumuno ng House Committee on Agriculture and Food, na ang P3-K na indemnification fund mula DA ay napakaliit para mapalitan ang kanilang pagkalugi.
Dagdag pa ng mambabatas na sakaling umabot mula P8-K hanggang P10-K ay mas lalong ma-enganyo ang mga backyard hog raisers na kusang isuko ang kanilang alaga na nadapuan na ng ASF.
Nauna na ring naglaan ang DA Agricultural Credit Policy Council ng P60 million sa livelihood loan assistance program sa mga hog raisers.