-- Advertisements --
May hakbang na ginagawa ngayon ang House Republicans bilang suporta sa immigration ban na ipinapatupad ni US President Donald Trump.
Sinabi ni Rep. Brian Babin na ngayong araw ay magpapasa sila ng panukalang batas para mas lalong mapagtibay pa ang executive order ni Trump na may kinalamang sa immigration.
Nitong nakaraang mga linggo ay inihain ni Rep.Brandon Gills ang panukalang batas na “Remain in Mexico” policy, na dapat ang mga asylum seekers ay maghintay sa Mexico sa pagdining ng kanilang kaso sa US immigration courts.
Magugunitang ipinatupad ni Trump ang executive order na naghihigpit sa mga iligal immigrants kung saan sila ay kanilang papalayasin.