-- Advertisements --
House of Representatives

Patuloy ang protesta ng ilang mambabatas sa nangyaring insidente sa pagitan ng Philippine at Chinese Coast Guard kung saan muntik na itong magkabanggaan sa parte ng Ayungin Shoal.

Giit ni House Deputy Speaker Ralph Recto, na kailangan umanong magprotesta at huwag magpakita ng pag aalingan dahil ito ay mag nonormalize sa China na hamakin ang Pilipinas sa loob mismo ng teritoryo nito.

Ayon pa sa mambabatas, ipagpatuloy lang umano ang protesta dahil kung hindi man marinig ng China, ang buong mundo naman ay hindi bingi.

Dagdag pa niya, hindi umano asal ng nagsasabing kapanalig ang ganitong gawain.

Hinimok pa ng mambabatas ang PCG na bilang tugon sa provocation ng Chinese Coast Guards ay patuloy na magpatrol sa karagatang ang bansa ang may ari.

Samantala, inihalintulad naman ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang nangyaring insidenet bilang “David vs. Goliath” dahil sa kung makikita ay di hamak na malaki ang barko ng China.

Hinihimok rin ng mambabatas si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na e-recall ang ambassador ng Beijing, kung saan hindi ito babalik ng China hanggat hindi nakakatanggap ang Pilipinas ng apology mula sa Chinese Government.

Noong taong 2022 pa lamang raw ay nasa halos 193 ang protest notes na inihain sa Beijing.