Ibinunyag ng grupo ng mga mangingisda sa Zambales na mas pinili na nilang mangisda na lamang muna sa gilid, kaysa piliting mangingisda sa WPS, kasunod ng naunang banta ng China na pagpapatupad sa ‘no-trespassing rule’ nito.
Ayon kay Tropical Fish and Gatherer Association (TFGA) Joeffrey Elad, natatakot umano ang marami sa mga miyembro nito na baka hulihin sila ng mga Tsino ay dalhin sila sa China.
Dahil dito ay iniiwasan na umano nila ang pagtungo sa Scarborough Shoal at karamihan sa kanila ang mas pinili na lamang na mangisda malapit sa mainland Zambales kung saan mas mababa ang nahuhuling mga isda rito.
Sa kabila nito, ‘willing’ pa rin umano ang mga mangingisda na bumalik sa bajo De Masinloc bastat mayroong mga barko ng Philippine Coast Guard o Philippine Navy na sasama at magsisilbi nilang escort.
Ayon kay Elad, kung hindi na bumalik pa ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc, maaaring tuluyan na itong mawala sa Pilipinas.
Sa isang hiwalay na panayam sa isa pang grupo ng mga mangingisda sa Zambales – New Masinloc Fishermen Association (NMFA), ibinunyag ng mga ito ang patuloy na pamamalaot mula pa noong Sabado kung saan wala naman umano sa kanila ang naguli o idinete ng China.
Ayon kay New Masinloc Fishermen Association Pres. Leonardo Cuaresma, sampung bankang pangisda ang tumuloy sa mga karagatan malapit sa Bajo de Masinloc at Panatag Shoal kung saan lahat ng mga mangingisdang sakay ng mga ito ay maayos ding nakabalik sa pampang.