-- Advertisements --
Sang-ayon ang ilang mga manufacturers na hind magtaas ng kanilang mga presyo dahil sa dumaranas ang bansa ng epekto ng El Nino.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, na kanilang napapayag ang ilang mga manufacturers at retailers na huwag muna magtaas ng presyo.
Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang ginawang pulong sa grupo ng mga manufacturers para hindi maging pabigat mamamayan.
Magugunitang maraming mga local government units ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nino.
Nakasaad sa batas na ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad ay otomatikong ipinapatupad ang price freeze.