-- Advertisements --

Patuloy ang pagbisita ng mga opisyal ng gobyerno sa burol ni dating senador Rodolfo Biazon.

Sa unang gabi ng pagbubukas sa publiko sa burol ng dating Armed Forces chief sa Heritage Park sa Taguig ay bumisita rin ang ilang mga matataas na opisyal.

Kinabibilangan ito nina Senador Cynthia Villar, dating Senate President Vicente Tito Sotto III at Bureau of Corrections chief Gregorio Catapang.

Nagpadala rin ng bulaklak sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Vice President Leni Robredo.