Inalmahan ng alternative media outlets ang serye ng mga napaulat na cyberattacks sa kanilang websites.
Natukoy din nila na ang nasa likod umano ng pang-aatake ay mula sa militar at ahensiya ng gobyerno.
Ayon sa Sweden-based media foundation na Qurium, nakatanggap sil ng maikli at madalas na denial attacks noong nakarang buwan sa mga pages ng Bulatlat, AlterMidya at Karapatan.
Noong Mayo 18 ay isang makina mula sa Department of Science and Technology nagsagawa umano ng vulnerability scan sa bulatlat.com.
Base sa Qurium na galing sa Philippine Research, Education at Government Information Network ang nasabing pag-iiscan.
Dagdag pa nito nang tinignan nilang maigi ang IP address at firewall at email address ay nakarehistro raw sa Philippine Army sa Taguig.
Nauna nang sinabi ng Bulatlat na ang nasbing cyberattack ay politically motivated.
Ikinagalit din nila ang nasabing insidente dahil ginagamit umano ang buwis ng taumbayan para sa pag-atake sa kanilang websites at ilayo ang kanilang mga followers.
Hiniling din nila sa gobyerno na tigilan na ang nasabing mga cyberattacks.