Inilabas ng medical journal na The Lancet na epektibo ang lahat ng mga uri ng bakuna sa kasalukuyan para maiwasan ang pagkakaroon ng grabeng kaso ng COVID-19 kaya hindi pa nararapat na magkaroon ng booster shots.
Ayon sa grupo ng mga ekspersto na gaya ng naging panawagan ng World Health Organization (WHO) na hindi pa mahalaga ngayon ang pagkakaroon ng third shots dahil nagiging epektibo ang nasabing mga bakuna laban sa COVID-19 maging sa Delta variant nito.
Nasa pag-aaral din na kahit may banta ang Delta variant ay hindi pa rin dapat magkaroon ng booster sa karamihan.
Magugunitang nanawagan ang WHO sa mga bansa na huwag munang iprioridad ang pagkakaroon ng booster shots dahil sa maraming mga mahihirap na bansa ang hindi pa nakakapagturok ng malaking populasyon nila ng COVID-19 vaccines.