-- Advertisements --
Inilagay sa temporary shelter sa Belarus ang mga migrants na naipit sa border nila ng Poland.
Kinumpirma ito ng Poland matapos ang pagbawas ng mga migrant na nagtayo ng pansamantalang tirahan sa kanilang border.
Halos ilang libong mga migrant na kinabibilangan ng mga babae at bata ang nagpupumilit na makatawid Europa sa pamamagitan ng Poland.
Inakusahan ng maraming bansa ang Belarus na siyang nanghikayat sa mga migrants na lumusob sa mga border nila ng Poland.
Mariing pinabulaanan naman ni Belarus President Alexander Lukashenko ang alegasyon.
Gumamit pa ng tear gas ang mga Polish border police matapos na sila ay pagbabatuhin ng mga migrants na nasa border.