-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Plano ng ilan sa mga kandidata ng Miss Earth 2019 na maglibot pa sa mga sikat na tourist destinations sa Pilipinas oras na matapos na ang naturang pageant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee, sinabi ng ilan sa mga kapwa kandidata kung papanong na-enjoy ang paglilibot sa magagandang atraksyon sa bansa.

Pinakanagpasaya umano sa mga Miss Earth candidates ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy na palaging nakangiti, masaya sa buhay at very hospitable.

Dagdag pa ni Tee na positibo ang lahat ng natatanggap na komento mula sa mga kandidata sa mga ibinibigay na pagkain ng mga organizers lalo na ang chili ice cream na first time na natikman sa Pilipinas.

Sa ngayon ay bumibisita sa mga tourist destinations sa Albay ang mga kandidata na parte ng Miss Earth activity at nakatakdang umalis sa Lunes, Oktubre 7.