Humiling ang ilang motorista na sana’y magkaroon na rin ng exclusive motorcycle lane sa ilang parte ng mga kalsada sa metro Manila para sa mas ligtas na biyahe.
Matatandaan na ilang araw na rin ng simulan ng Metropolitan Manila Development Authority, ang dry run sa Commonwealth Quezon City na may pinakamalaking kalsada sa Metropolis.
Ayn sa mga motorista mas maigi raw sa kanila na maglagay na ng exclusive motorcycle lane sa lahat ng kalsada sa Metro Manila para iwas disgrasya hindi lamang para sa kanila maging sa mga private vehicles, mga bus at ilan pang nakakasabay sa kalsada
Sa ngayon, nagpapatuloy ang dry-run na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority at kung maging maganda ang pilot run eh, posibloe umanong gawin ito sa ilang parte ng kalsada sa Metro-Manila.