-- Advertisements --

Pormal nang nanumpa sa kani-kanilang tungkulin ang mga nagwagi sa midterm elections na isinagawa nitong Mayo 13, 2019.

Ito’y kasabay ng huling araw ng Hunyo ngayong araw ng Linggo.

Kabilang sa mga sumalang sa oathtaking ay ang newly elected Manila mayor na si “Isko” Moreno sa harap ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin. (featured photo courtesy from @SCPh_PIO)

Tinalo ng dating Manila vice mayor na si Isko si Joseph Estrada.

Ngayong araw din nanumpa si newly-elected San Juan Mayor Francis Zamora sa harapan ni Sen. “Ping” Lacson.

Kung maaalala, sa mahabang panahon ay ang Estrada clan ang may hawak sa San Juan subalit naagaw ito ni Zamora hanggang sa susunod na tatlong taon.

June 30 oathtaking

Nanumpa na rin si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pangunguna ni Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo.

“Sa ating pagsulong ng mas progresibong Pasig, hinihingi ko ang inyong katapatang-loob,” bahagi ng mensahe ng 29-year-old mayor sa mga Pasigueños.

Samantala sa mga lalawigan, nanumpa na sa tungkulin ang celebrity couple na sina Richard Gomez bilang reelected Ormoc City mayor, at Lucy Torres bilang kinatawan uli ng 4th District ng Leyte.

Handa na sa kanyang pangatlong termino si Miguel Luis “Migz” Reyes Villafuerte bilang gobernador ng Camarines Sur na nag-take oath kay Senator Cynthia Villar sa bayan ng Pili.

Ang ama naman ni Migz na si Luis Raymund “LRay” Villafuerte ay nahalal uli bilang kinatawan ng Second District ng Camarines Sur.