-- Advertisements --

Maraming mga NBA players ang nagpaplanong magpalit ng numero ng kanilang jersey bilang respeto sa pumanaw na NBA legend na si Kobe Bryant.

Karamihan sa mga dito ay nais nilang palitan ang gamit nilang numerong 24 at 8 sa ibang numero.

Ang nasabing numero ay siyang ginamit ng Los Angeles Lakers star sa loob ng 20 taon na paglalaro.

Ilan sa mga dito ay sina Philadelphia 76ers guard Zhaire Smith na pinalitan ang numero nitong 8 sa 7 sa panalo nila laban sa Golden State Warriors.

Habang si Warriors guard Alec Burk ay papalitan na sa numero 20 mula sa dating 8 number nito.

Papalitan naman ni Lakers guard Quinn Cook ang numero nitong 2 sa 28 dahil ang numero 2 ay numero ng anak ni Bryant na si Gianna.

Base sa talaan naman ng NBA na mayroong 21 manlalaro ang may suot na numero 8 habang 13 na NBA players na nakasuot ng numero 24.