Hiniling ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR) sa Department of Education (DepEd) na kung maari ay payagan na kahit isang paaralan sa bawat lungsod o bayan na isama sa pagpapatupad ng face-to-face classes.
Kinumpirma ito ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan kung saan isinagawa ang paghirit ng mga alkalde matapos ang pagpupulong.
Dagdag pa ng DepEd Undersecretary, bukas silang pag-aralan ang nasabing panukala.
Magugunitang walang paaralan sa NCR ang nakasama sa 59 na listahan ng DepEd na bahagi ng pilot face-to-face classes.
Nananatiling may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa NCR kaya hindi pa isinama ng DepEd ang mga ito.
Magugunitang gaganapin ang pilot testing ng limited face-to-face classes sa Nobyembre 15 mula Kindergarten hanggang Grade 3.