-- Advertisements --

Posibleng mahirapan ang mga maliliit na negosyante kung sila pa ang gagastos ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 testing sa kanilang empleyado.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at dating Ambassador Benedicto Yujuico, na ang mga malalaking negosyante lamang ang may kakayahan ng nasabing pagsasailalim ng testing sa kanilang empleyado.

Inihalimbawa nito ang halaga lamang ng bawat testing ay nagkakahalaga ng P10,000 na parang isang buwang sahod na ng kanilang empleyado.

Nauna rito inihayag ng Department of Health na maaaring magsagawa ang mga private companies ng testing para sa kanilang empleyado.

Iginiit din ni Yujuico na posibleng maraming mga negosyo ang magsasara kapag hindi pa natapos ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.