-- Advertisements --
Hiniling ng hindi bababa sa 8 business group sa bansa ang pagtanggal na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25 percent withholding tax at 12 percent final withholding value-added tax (VAT) sa cross-border services.
Ayon sa grupo na ang nasabing pagpapatupad ay magdudulot ng pagtataas ng paglalagak ng negosyo sa bansa.
Isa rin itong nakikita nilang dahilan para lumayo ang mga foreign investors imbes na magtayo ng negosyo sa bansa.
Magugunitang naglabas ang BIR ng Revenue Memorandum Circular 5-2024 na nag-aatas na lahat ng mga serbisyo sa bansa na pinapaatakbo ng isang dayuhan ay dapat buwisan na.
Giit ng grupo na ang nasabing memorandum ay lumalabag sa kasalukuyang income tax treaties sa bansa sa mga pumapasok na iba’t-ibang bansa.