-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Kinagulat ng mga Pinoy na lumabas panandalian para bumili ng dagdag na makakain kaugnay parin sa corona virus outbreak ng makita nilang pati pagong ay bibenta din sa pinuntahan nilang palengke sa China.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Zia Yrrah, OFW sa China, sinabi niyang kinailangan nilang dagdagan ang mga naimbak na pagkain dahil hindi sigurado kung may magbubukas pang mga pamilihan sa ilan pang mga araw.

Hindi aniya sila makapaniwala ng mga kasama ng makita nila ang maraming pagong na binebenta para kainin.

Pahayag naman ni Star FM Bacolod international correspondent, Chai Roxas na nasa Wuhan ngayon, nakakapanindig balahibo umano ang nangyari sa nasabing lungsod kung saan nagkaisa ang lahat ng tao sa loob ng mga nagtataasang gusali sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagsigaw ng ”Go Wuhan” kasunod ay sabay at malakas din na umawit ng tumugtog ang kanilang national anthem bilang pagpapakas ng loob sa bawat isa.

Nagkaroon naman ng problema ang ilang Pinoy kung saan nanghagilap sila ng tubig na maiinom dahil walang bukas na water delivery pero ng sumunod na araw ay maynagpadala na rin ng tubig.

Patuloy umano sila na nag-susurvive at ginagawa ang paraan para hindi maging infected sa gitna ng corona virus outbreak.