-- Advertisements --
Ipapasara ng Australia ang mga non-essential services para labanan ang pagtaas ng coronavirus.
Lahat ng mga pubs, clubs, gyms, sinehan at mga simbahan ay isasara simula ngayong araw ng Lunes.
Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison na ang nasabing desisyon ay napagkasunduan ng mga mambabatas.
Mananatili namang bukas ang mga supermarkets, gasolinahan, botika at mga delivery services.
Mayroon na kasing 1,315 ang naitalang nadapuan ng virus kung saan ang pinakamarami dito ay sa New South Wales (NSW) na mayroong 533 ang kumpirmadong kaso.