-- Advertisements --
Nagbukas na ang ilang mga establishimento sa Austria at Italy matapos na luwagan ang ipinatupad na nationwide lockdown.
Ilan sa mga garden centers, DIY stores at mga maliliit na shops ang nagbukas sa Austria subalit mahigpit pa rin ang ipinapatupad na social distancing.
Pinayagan naman ang ilang mga establishimento sa Italy pero ang Lombardy region kung saan marami ang nasawi dahil sa coronavirus ay hindi muna pinayagang magbukas ang mga negosyo.
Balak naman ngayon ng Denmark na luwagan ang lockdown na mas maaga kaysa sa itinakdang pagbubukas.
Hinikayat kasi ng European Commission ang mga EU countries na makipag-ugnayan sa bawat isa para sa paunti-unting pagpapaluwag ng lockdown.