-- Advertisements --
Inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkaroon na ng pagtaas ng presyo ng mga noche buena products sa bansa.
Ayon sa DTI na ang nasabing mga produkto aniya ay tinatawag nilang mga seasonal lamang.
Ilan sa mga inihalimbawa nto ay ang mga hamon na tumaas ng P5.00 habang halos P5.00 din ang itinaas ng kada bote ng ilang mayonnaise at mga sandwich spread.
Dagdag pa ng DTI hindi nila mapigilan ang nasabing pagtaas ng mga produkto lalo na at papalapit na ang Pasok dahil ang mga ito ay hindi kabilang sa listahan ng mga produktong nasa suggested retail price.
Pagtitiyak naman ng DTI na kanilang nababantayan pa ang nasabing mga pagtaas ng mga presyo ng bilihin.