-- Advertisements --

Hinikayat ng anim na Catholic dioceses na may fishing communities malapit sa West Philippine Sea ang gobyerno na ipagtanggol ang karapatan ng mga mangingisda sa teritoryo ng bansa laban sa pang-aapi ng mga China.

Sa pinagsamang pastorla letter na pinangunguhana nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, na bilang dating pangulo rin ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakakabahala na ang ginagawang pambubully ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

Kasama ni Villegas na nananawagan sina Bishop Bartolome Santos Jr ng Iba, Zambales; Bishop Daniel Preso ng San Fernando de La Union; Bishop Socrates Mesionas ng Puerto Princesa; Bishop Broderick Pabillo ng Taytay at Auxilliary Bishop Fidelis Layog ng Lingayen-Dagupan.

Ayon sa mga obispo na hindi lamang na pagsabihan ang China at dapat ay gawin ang anumang legal na pamamaraan para maprotektahan ang maritime zones ng bansa.

Bagamat nanawagan sila sa gobyerno ng gumawa ng mabigat na hakbang ay hindi nangangahulugan na magdeklara ang Pilipinas ng giyera laban sa China dahil mahalaga pa rin ang pagsusulong ng mapayapang paraan.

Magugunitang sa ilang pagkakataon ay inireklamo ng mga mangingisda ang ginagawang paghaharras sa kanila ng mga Chinese militia vessels.

Makailang ulit na ring naghain ang bansa ng diplomatic protest dahil sa ginagawang ito ng na China.