-- Advertisements --

Nanawagan ng pagsuspendi sa mga nanalong kandidato sa katatapos na halalan ang tatlong obispo ng Simbahang Katolika.

Sa inilabas na pahayag nina Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Novaliches Bishop Antonio Tobias, nakita nilang talamak ang reklamong pandaraya na kanilang natanggap.

Ilang inihalimbawa nito ay ang pagpalya ng maraming vote counting machine (VCM) at ang problema sa secure digital (SD) cards.

Ang nasabing mga aberya aniya ay nagpapakita ng pagdududa sa naganap na halalan.