BAGUIO CITY – Isinasailalim na sa puwersahang pagbabakasyon sa trabaho o forced leave ang ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa South Korea.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Roel Toquero, sinabi niyang dahil sa nagpapatuloy na pagdami ng mga nahawaan ng coronavirus disease sa South Korea ay nagsasara na ang ilang kompanya at negosyo doon.
Ayon kay Toquero, pangunahing apektado ng forced leave ang mga manggagawang Pinoy na bumibiyahe mula sa kanilang dormitory patungo sa kompanyang kanilang pinagsisilbihan.
Binangggit pa ni Toquero na maging ang isang tanyag na mobile company sa South Korea ay temporaryong nagsara dahil nagpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.
Sinabi pa niyang dahil sa laki ng epekto ng COVID-19 ay nagpakamatay ang isang opisyal sa health ministry ng South Korea sa pamamagitan ng pagtalon nito sa Han River.
Idinagdag ni Toquero na pinangangambahang lalo pang tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa South Korea dahil isinailalim sa laboratory test ang mahigit