-- Advertisements --
Nabiktima ng cyber-attacks ang ilang oil transport at storage companies sa Europa.
Kinabibilangan ito ng Oiltanking sa Germany, SEA-Invest sa Belgium at Evos sa Netherlands.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na konektado ang nasabing kaso.
Dahil sa insidente ay naging limitado na lamang ang operasyon ng nasabing oil companies.
Magugunitang noong Mayo 2021 ay pinasok ng ransomware attack ang US oil supplier na Colonial Pipeline.