-- Advertisements --
Nagkakaroon umano ng hindi pagkakaunawan ang ilang opisyal ng Taliban matapos na magbuo ng bagong gobyerno sa Afghanistan.
May ilang mga bagong itinalaga sa gabinete ang hindi raw sang-ayon sa ipinapatupad na batas ng co-founder na si Mullah Abdul Ghani Baradar.
Mariing pinabulaanan naman ng mga opisyal ng Taliban ang nasabing usapin.
Nakakuha ng impormasyon ang ilang mga Afghan na nagkaroon daw ng mainitang pagtatalo sina Baradar at Kahil ur-Rahman Haqqani ang minister for refugees at lider ng Haqqani network.
Ilan umano sa pinag-awayan ng dalawa ay kung sino ang nararapat na kilalanin matapos na tuluyang masakop ng Taliban ang Afghanistan.