Ngayong taon ay mas naging maluwag na ang restrictions kaugnay ng pandemya at dahil dito ay tila ba balik normal na ang pag gugunita ng Semana Santa.
Kasabay nga nito ay ang pagsasagawa ng penitensya ng mga deboto.
Ilan sa ginagawang penistensya ay ang pag hampas sa likod, ang alay lakad, pagbuhat at pagpapapako sa krus pati na rin ang pag fafasting o ang debosyon sa pag iwas sa pagkain.
Ayon kay James Castillo, minsan na rin daw siyang nag penitensya, aniya basta’t bukal sa kalooban ng isang tao ang pagsasakripisyo ay wala itong problema, sa katunayan raw ay magaan ito sa pakiramdam.
Halos tatlong taon ring hindi isinagawa ang pagpepenitensya dahil sa pandemya.
Ayon naman kay Ronnie Pascual, ito ay isang pag ala-ala ng ginawa ni Hesus doon sa krus at pagpapakita narin ng debosyon ng tao.
Ang pagpepenitensya ay ginagawa tuwing Biyernes Santo sa iba’t ibang probinsya partikular na sa Central Luzon.
Ang Zambales at Pampanga ang kilalang probinsya kung saan mayroong mga deboto na nagpapapako sa krus at iniaalay ang sarili.