-- Advertisements --
facemask

Sang ayon ang ilang mga ordinaryong tao dito sa Metro Manila kaugnay ng pag-aaral na muling ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng facemask.

Ito kasi ay ikinokonsidera kung sakaling muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Base umano sa obserbasyon ng ilang opisyal, bahagyag sumisipa pataas ang kaso ng COVID noong nakaraang linggo.

Ayon kay Angeline Cao at Dolores Vergara sang ayon sila kung sakali mang ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng facemask upang makaiwas na rin sa virus.

Dagdag pa nito, ito ay halos nakasanay na nilang isuot at hindi na ito bago sa pang araw araw nilang pamumuhay.

Kung mapapansin sumipa sa 7.2% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region mula noong Abril 8 na mayroon lamang 6.5% ayon sa pinakabagong datos ng independent monitoring group na OCTA Reasearch.

Dagdag pa rito, ang National Capital Region ay ang rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, sa ilang probinsya naman ay naitala ang “high” positivity rate kabilang na dito ang Camarines Sur, Misamis Oriental at Rizal.