-- Advertisements --
Planong pag angkat ng mahigit 60000 metric tons na asukal ng gobyerno hindi napapanahon — National Federation of Sugar Workers

Umaaray ang ilang mga ordinaryong tao sa mataas ng presyo ng asukal sa ilang pampublikong mga merkado.

Ito ay matapos na maiulat na ang ilan ay umaabot na ng halos 136 pesos kada kilo, higit na mataas kumpara sa farmgate price na nasa halagang 60 pesos lamang kada kilo.

Dito sa Pasay Market, nasa halos 90 pesos hanggang 110 pesos kada kilo, mataas parin kung pagbabasehan ang farmgate price.

Ayon sa mga nagtitinda kokonti lamang ang bumili dito, at parang normal nalang anila ang presyo nito.

Para kay Jerome Gonzales naman isang konsumer, tinatanggap na lamang niya ang presyo nito dahil aniya baka kinakailangan ring magtaas dahil na rin sa kagamitan sa pagsasaka.

Kung maaalala, sa ngayon nga ay pinagpaplanohang imbestigahan ang mataas na presyo nitong asukal.

Ayon pa sa Sugar Regulatory Administration, bukas naman sila sa nais isagawang imbestigasyon ng kinauukulan.

Samantala, nagpaliwanag si Sugar Regulatory Administration Admin Pablo Azcona na kung minsan ay ang retailer ang nagdidikta nitong presyo ngunit aniya, patuloy naman ang kanilang pagmomonitor sa suggested retail price nitong produkto.