Nasa 738 na paaralan sa apat na rehiyon ang nakatakdang ipagpaliban ang pormal na pagsisimula ng klase sa araw ng Lunes matapos na tamaan ng Super Typhoon Carina na pinalakas pa ng Habagat.
Ayon sa listahan ng Department of Education na sa National Capital Region ay mayroong 42 sa Malabon City, 33 naman na paaralan sa Marikina City, dalawa naman sa Navotas City, 44 na paralana sa Pasig City, 14 sa Quezon City at 71 naman sa lungsod ng Valenzuela.
Habang sa Central Luzon ay mayroong 208 na paaralan sa Bataan, dalawa sa Balanga, 92 sa Bulacan, 20 sa Meycauyan City, 48 sa Malolos City , 51 sa Pampanga, isa sa San Jose City at 20 sa Tarlac Province.
Habang sa Soccsksargen naman ay mayroong apat sa Cotabato.
Sa bahagi naman ng Cordillera Administrative Region ay mayroong 47 sa Abra, lima sa Apayao, pito sa Baguio, anim nsa Benguet, walo sa Kalinga at 13 sa Mt. Province.
Dagdag pa ng DepEd na mayroong 246 na paaralan ang nabaha at 425 naman ang ginamit na evacuation centers kung saan 64 sa mga dito ay mayroon pang mga evacuees.
Una ng nagpasya ang lungsod ng Malabon, Marikina at Valenzuela na ilipat ang pagsisimula ng klase.
Sa lungsod ng Malabon ay magsisimula ang klase sa lahat ng mga public schools sa Hulyo 31 habang ang Valenzuela ay magsisimula na ang pasok sa Agosto 5.
Inanunsyo na rin ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na ang pagbubukas ng lahat ng public at privat schools ay sa Agosto 5.