Nagkansela naman ng pasok ngayong araw ang ilang mga paaralan sa Batangas at Cavite.
Inanunsiyo ng local government ng Calatagan, Lian, Balayan, Tuy at Nasugbu sa Batangas na kanseladoa ng pasok ng mga mag-aaral sa lahat ng level ng private at public schools.
Maging sa lahat ng levels ng public at private schools sa Cavite sa mga sumusunod na lugar: – Maragondon, Naic, Rosario, Tagaytay City, Alfonso, Magallanes, General Emilio Aguinaldo, Silang, Kawit, Mendez, Noveleta, Tanza, Ternate, Trece Marteres at General Trias sa Cavite ay kanselado rin.
Habang isasagawa naman ang online o sa pamamagitan ng hybrid learning ang mga paaralan sa bayan ng Calaca, Agoncillo at Laurel sa Batangas.
Nag-anunsiyo rin ng kanselasyon ng klase sa lahat ng antas ang Lungsod ng Las Pinas at Muntinlupa .