-- Advertisements --

Nasa mahigit 200 paaralan sa South Korea ang ipinasara muli ilang araw ng buksan dahil sa pagdami muli ng mga kaso ng coronavirus.

Nitong Miyerkules ay bumalik na sa paaralan ang ilang libong mga mag-aaral subalit matapos ang isang araw ay 79 na bagong kaso ang naitala.

Karamihang kaso ay galing sa distribution center sa labas ng Seoul.

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 11,000 ang bagong kaso sa nasabing bansa.

Dahil sa pangyayari ay nagsara ang 251 na paaralan sa Bucheon habang mayroong 117 paaralan naman sa Seoul ang ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase.