-- Advertisements --

Nasa high alert na dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang ilang pagamutan sa Metro Manila.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na mayroong mahigit na 200 na tawag sa telepono natatanggap nila ngayon kada araw sa itinalagang One Hospital Command.

Dati aniya ay nasa 90-100 tawag lamang ang kanilang natatanggap sa isang araw.

Ilan sa mga nasa moderate risk capacity ay ang East Avenue Medical Center (EAMC) at ang Philippine General Hospital.

Dumoble naman ang kaso ng COVID-19 na naipapasok sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center mula pa noong nakaraang linggo.