-- Advertisements --

Napuno na ang mga emergency rooms ngilang pagamutan sa Quezon City.

Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines na ang pagdami ng mga naitatakbo sa pagamutan ay dahil sa pagbabago ng panahon.

Inihalimbawa na lamang sa East Avenue Medical Center na mayroong 154 na ang karga ng kanilang emergency room na dapat ay mayroon lamang na 150 katao ang kapasidad nito.

Maging ang ilang intensive care unit ng ilang pagamutan doon ay napuno na kun saan sa mga hallway na natutulog ang ilang mga pasyente.

Karamihang mga dinala sa pagamutan ay dahil sa stroke, pneumonia, leptospirosis at dengue.