Nagkansela ng commercial flights ang ilang mga paliparan sa Northern Luzon dahil sa masamang panahon dulot ng sunod-sunod na bagyong pumapasok sa bansa.
Ilan sa mga paliparang pansamantalang nagsuspinde ay ang Vigan, Lingayen at Baguio Airport sa kabila ng panunumbalik nito sa normal na operasyon.
Habang ang Laoag International Airport naman ay walang naitalang kanseladong mga flights international man o domestic.
Samantala, wala naman umanong mga danyos sa mga pasilidad ng mga naturang paliparan at wala ring naitalang nasaktan o casualty sa kanilang mga personnel.
Dagdag pa dito ay ang mga paliparan sa Basco, Tuguegarao at Cauayan na nananatiling operational at wala ring naitalang danyos sa mga pasilidad nito.
Kasalukuyan namang nanumbalik na ang mga commercial flights habang ang mga non-scheduled flights sa mga coastal areas ay mananatili munang suspendido sa ngayon.
Ang Basco Airport naman ay may mga naitalang kanseladong flights dahil sa malalakas na hangin. Ito ay ang mga flights mula Manila patungong Basco at flight mula sa Clark papuntang Basco sa Batanes.