TACLOBAN CITY – Nananatili pa sa mga evacuation centers ang libu-libong mga residente sa Eastern Visayas matapos ang pag-landfall ng bagyong Odette ngayon hapon.
Malakas na ulan at hangin naman ang naranasan sa bahagi ng Southern Leyte gayundin sa ibang parte ng rehiyon.
Sa bahagi naman ng Brgy. Caluwayan, Marabut Samar, pansamantalang ginawang evacuation center ng nasa 99 mga pamilya ang isang kweba.
Ayon sa mga residente, ito ang kanilang tinutuluyan sa ngayon dahil pa rin sa takot sa pananalasa ng bagyo.
Samantala, nagkaroon din ng mga power interruption sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon dahil sa bagyo kung saan ayon kay Dicson Bernales, Member Education Division Supervisor ng SAMELCO II nagkaroon ng sunog sa Brgy. Luyo, Basey, Samar na naging dahilan ng pansamantalan interruption ngunit agad naman itong narespondehan.