-- Advertisements --
oil price hike fuel rollback gasoline station

Nananawagan ang ilang mga pampasaherong driver ng stable na presyo ng produktong petrolyo dahil anila mahirap ang sitwasyon sa taas-babang presyo nito.

Kapag tumataas raw ang presyo ng gasolina hindi naman raw sila nakakapag adjust ng pamasahe ng mga pasahero.

Dahil sa halos lingo lingong adjustment sa presyo ng produktong petrolyo, nahihirapan ring mag adjust ang mga pampasaherong driver.

Ayon kay Randel Birogo sa ngayon, sumasapat pa naman raw ang kanilang kita sa kada araw ngunit minsan talaga ay kinukulang.

Para naman kay Bong Renuso, sampong taon nang nagpapasada, mataas parin ang presyo ng gasolina lalo na’t siya ay isang taxi driver at nagbaboundary lang.

Ngayong araw nga ay epektibo ang muling pagtaas ng presyo ng gasolina ng isang piso kada litro, rollback naman ng .60 sa kerosene at .10 naman sa diesel.