-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na sa ngayon ay pinangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang umano’y mga agricultural smuggler ng bansa.

Sa ngayon, ang listahan nito ay ipinaubaya na umano ng punong ehekutibo sa kanya.

Sa isinagawang pagdinig ng Commission on Appointment kahapon, inihayag ni Tiu na plano ng kanilang ahensya na aksyunan ito sa unang quarter ng susunod na taon.

Paglalahad pa ni Laurel na sa ngayon ay mayroong bagong intelligence at enforcement unit ang DA na siyang inatasan na magberipika ng lahat ng kinakailangang impormasyon.

Tiniyak rin ng kalihim na mahaharap sa patong patong ang sinumang indibidwal o grupo na mapapatunayang sangkot sa smuggling.

Una nang iginiit ni Senator Grace Poe na dapat makulong at masampolan ang mga smuggler upang masabi na totoong gumagana ang ngipin ng batas.

Top