Sasailalim sa pagsasaayos ang ilang mga pangunahing sports facilities sa bansa.
Nagkaroon na ng kasunduan ang Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pag-upgrade ng PhilSports Complex sa Pasig City at Rizal Memorial Sports Complex sa lungsod ng Maynila.
Sinabini PSC chairman Richard Bachmann, na layon ng nasabing rehabilitation ay para na rin sa kapakanan ng mga atleta.
Isang malaking hakbang ito para mapanatiling ligtas at mapayapa ang mga atleta tuwing nagsasagawa ng pagsasanay sa nasabing mga pasilidad.
Nakatakda namang itayo ang 12 palapag na gusali sa tapat ng Ninoy Aquino Stadium kung saan makikita dito ang makabagong bowling facility at ang pagsasaayos ng Administrative building at Philippine Sports Museum.